One Troubled Soul

August 29, 2006 at 10:05 am (diyornal)

Ilang araw ang nakalipas, at maraming bagay ang naglabas-pasok sa isipan ko. Hindi ko alam kung saan magsisimula, eh kung tapusin ko na lang agad kaya? Ang buhay ko? huwag na pala, baka maraming umiyak. Parang malapit na akong maniwala na ang taong mababait daw, ay maagang kinukuha ni Lord. At kapag ikaw daw ay isang masamang damo, matagal kang mamamatay. Kaya daw mabilis magsikip sa kulungan. Bakit, nakakasiguro ba sila na ang lahat ng nakakulong ay masama? Kung ating susumahin, di hamak na mas marami naman ang masasama sa labas… magbukas ka lamang ng iyong telebisyon. Saksakan na ng daming kasamaan ang pwede mong makita. Paano pa ang mga tao sa likod ng kamera. Huwag mo ng subukang lumabas ng iyong bahay at pihadong hahaba ang ating usapan.

Ang dami nga namang tao sa Metro Manila. Dito lang sa bahay na malapit sa palengke… ang kapal ng tao. eh ilan pa ba ang mga nasa kani-kanilang bahay, may ginagawa man o wala at natutulog. Ilan ang nasa opisina at nagtatrabaho, nasa paaralan at nag-aaral? Idagdag mo pa ang mga nasa biyahe at papunta sa kani-kanilang destinasyon. Isama mo na rin ang mga nasa pasyalan at namimili, tumatambay o nanunuod ng sine. Paano pa ang mga artista at musikero, sa siyudad ang sentro ng kanilang negosyo. Ilang biyahe pa ng eroplano barko at bus galing probinsiya ang papunta dito para makipagsapalaran. Eh makakalimutan ba ang mga magkasintahan na nagniniig sa mga oras na ito. Anu oras kaya labas nila? eh ako, hindi ba ako pasikip sa Metro Manila? At bakit, pinoproblema ba nila ako?

May isang tanung na ibinato sa akin ang aking kaibigan na nagpatibay sa akin… “Bakit kailangang mag-I LOVE YOU, THANK YOU o SORRY sa iyong karelasyon kung ito’y hindi mo naman nais na sabihin sa mga oras na iyon?” Napangiti ako… hindi ko ito madalas naitatanung sa sarili ko, dahil ang alam ko, ang mga bagay na kaparte na ng aking pangaraw-araw na buhay at kilos ay hindi ko na hinahanapan pa ng kasagutan, dahil ito ang gusto ko! Sinasabi ko ang “SORRY” kapag ako’y nagsisisi sa aking nagawang kasalanan at nangangakong hindi na uulit, madalas din dahil alam ko na ang salitang sorry lamang ang makapagpapanumbalik sa amin sa matinong kaisipan bunga ng maling pananaw at hindi pagkakaintindihan. Baka ang aking kaibigan, ay hindi niya nararamdaman ang ganito sa kaparehong sitwasyon, Patigasan siguro ang gusto nilang labanan. Sinasabi ko ang “THANK YOU” sa bawat ginagawa para sa akin ng aking minamahal, wala mang komersyal na halaga ang salitang ito katumbas sa bagay o sakripisyong ibinigay niya, alam kong taos sa puso ang bawat pagsambit ko nito. Marahil hindi ito nararamdaman ng aking kaibigan, bagkus ang bawat bagay at gawain ng kanyang kasintahan para sa kanya ay obligasyong dapat ginagampanan. Sinasabi ko ang “I LOVE YOU” ng hindi mabilang sa aking daliri kung ilan sa isang araw. Bago umalis ng bahay, pagdating sa opisina, pagdating sa bahay at bago matulog. bukod pa duon ang malilit na pag-uusap, telepono man o text. hindi maaaring mawala ang katagang ito bilang pangwakas. Eh paano naman sa aking kaibigan, hindi ba niya nararamdaman ito sa kanyang ka-“partner”? Sasabihin lang ba niya ito kung kailan niya “feel”? Simple lang naman ang sa akin, anomang oras ay maaaring mawala tayo sa mundong ito ng hindi natin inaaasahan. Maaaring pagkatapos ng inyong pag-uusap o pagkikita, may isang biglang mawala sa inyo? Hindi ka man lang nakapagpaalam at naipabaon sa kanya ang tangi mong nararamdaman sa kanya. Walang nagsisisi sa una, lahat sa huli. Natatandaan ko pa, Nung huli ko nga itong tinanong sa aking iniirog, madali lang siyang sumagot… “Automatic na eh. Walang kakurap-kurap at pag-aalinlangan kong sasambitin ang “I LOVE YOU”. Dahil sa tatlong salitang ito, buo na ang mundo mo.” Tama nga siya. Ganun ko ito isinagot sa aking kaibigan. Ganuon lang kasimple… Sino ang balisa sa amin ng aking kaibigan? Maaaring siya, maaaring ako. pwedeng pareho kami, o wala sa amin. Bakit, sino bang hindi, pagdating sa pag-ibig?

Permalink Leave a Comment

Katatapos lang Ng Araw ni Ninoy… Paano sa isang Linggo?

August 23, 2006 at 10:37 am (diyornal)

Ay, naku… Unang araw ng pasok, Martes! Holiday ng Lunes, gawa ni Ninoy! Ang haba ng bakasyon. Hindi ko alam kung maganda o hindi ang nagdaang araw na walang pasok. Una, nasa bahay lang ako ng tatlong araw, walang pera panglabas. ayos, makakatipid ako! mali pala! napagisip-isip ko, nanuod lang ako ng TV, nakabukas ang ilaw pati bentilador buong araw, ilang oras din akong nagpapalit-palit, DVD, PS One. yun lang ang trabaho araw-araw. Teka, trabaho ba yun? Nakupo, magkano na naman ang bill sa kuryente. Ako pa naman, kapag nakaharap sa TV, talo pa ang kiti-kiti sa likot ng daliri kalilipat ng channel. Ewan ko ba… nasanay lang siguro, kapipindot! pero wala namang kinalaman iyon sa pagtaas ng kuryente.

Naubos ang aking bakasyon sa kapapanuod ng TV, PBA, “Ang Anak Ni Brocka”, “Click”(pirated), ASAP, PBA Draft. At ang aking pinagkakaabalahan sa ngayon sa PS One… “Silent Hill”, grabe sa katatakutan at kaba ang aking nararamdaman tuwing hawak-hawak ang controller. Kailangan ko ng matapos ito. “Late bloomer” na nga akong matatawag. May mabuti naman ding naidulot ang bakasyon, mas mahabang oras kapiling ang aking pinakamamahal. Naks, pang-telenobela! Bakit nga ba pagkakagaling sa isang bakasyon, ganado kang pumasok, dahil siguro gusto ko nang dumating uli ang araw ng susunod na bakasyon. At sa darating na Lunes uli yun, sa aking pagkakaalam, nagkapirmahan na nga eh…

Ngunit, ano ito? Isang kapapasok na balita… MAY PASOK SA LUNES! Nanangko! Bulilyaso ang mga plano. Paano ko ngayon sasabihin ito sa aking mga pinangakuan ng pakikipagtagpo sa araw na iyon? Nakakainis ang madungis. Pinaasa na naman ako. Maghihintay na lang uli ng panibagong araw na idedeklarang walang pasok. Buti pa nung ako’y nag-aaral, kaunting ulan lamang at may namataang paparating na bagyo, gigising ka lamang ng maaga upang abangan ang balita sa radyo o telebisyon at sabihing… “Inuulit po sa mga magulang at estudyante, walang pasok po sa lahat ng antas.” Tutulog ka na lang uli. Babangon ka na lang pag tanghalian na at kung oras na ng iyong paboritong palabas na hindi mo mapanuod dahil sa may pasok ka. Hindi na pwede ngayon yan, hindi mo naman pwedeng sabihin sa boss mo na, “Mam, baha po sa amin.” o “Sir, wala po akong masakyan.” Ano ka, hilo? Kaltok ang abot mo!

Pinag-iisipan kong magpahinga ng dalawang araw sa paninigarilyo. Sa Sabado kasi ang “Annual Physical Examination”. Balak ko ding tumungga ng dalawang baso ng “Birch Tree” bago ang eksaminasyon. Hay, sa panahong ito, bawal ang magkasakit. Bawal ang pork. Bakit ang bisyo, pwede? May narinig nga ako…”Kung may bisyo ka at wala, mamamatay ka din. Eh di magbisyo ka na lang” Pero di iyan ang mas malaking problema ko, MAY PASOK SA LUNES! Waaahh…

Permalink Leave a Comment

Tingnan mo nga naman, oo

August 18, 2006 at 10:58 am (diyornal)

Dalawang umaatikabong laro kagabi ang aking napanuod, nanalo ang FEU kontra UP, 89-76 at nanaig naman ang Ateneo sa Adamson sa isang umaatikabong bakbakan, 66-65. Palapit na ng palipat ang tamaraws sa “Final Four”. Masusubukan ang kanilang tikas sa darating na Linggo kontra UE. Tinapos ko na lamang ang programang “Debate” na pinag-uusapan ang walang katapusang usapin tungkol sa Impeachment bago ako natulog. Lecheng Impeachment yan… hindi na natapos-tapos. Ayaw talaga ipasa eh, daanin na lang sa ibang pamamaraan.

Biyernes pala ngayon, hindi ako magsusuot ng uniporme. Ayos! Pwede akong mamili ng damit na gusto ko, pwede akong pumorma ng todo, kaya lang, hindi pa ko nakakapagpagupit… hindi na tuloy ako pogi! sabagay, mas mabuti ng minsan sa buhay ko maranasan ko ang hindi masyado napapansin, para kapag bigla kang nagpagupit at nag-ayos… naks! biglang pogi!

Naalala ko din, kasal nga pala ngayon ng kaibigan ko… hindi naman ako imbitado, so… anung pakialam ko? sa Huwes lang sila ikinasal, ilan na nga bang kaibigan at malapit sa buhay ko ang nagpakasal sa huwes? Ilan na rin ba ang hindi na ikinasal at nagbuo na lang ng pamilya. Madami-dami na rin pala. Mas marami pa sa mga kakilala ko na nagpapakasal sa simbahan. May nagtatagal, may naghihiwalay. Binata pa naman ako, ngunit hindi na rin papabata. Hindi maglalaon at iisipin ko na rin iyan, anu pa nga ba ang mas praktikal sa ngayon, magpakasal sa harap ng Diyos at maghiwalay din naman kinalaunan o huwag na lamang baka mas lalo pang magtagal ang pagsasama. Napaisip ako, at nagdesisyon na mas gugustuhin ko pa ng may basbas ng Diyos, kaya ngayon pa lang ay paghihirapan at pag-iipunan ko na ito. Hindi ko naman siguro maaaring ipagkait iyon sa aking sarili at sa aking mapapangasawa.

Halos araw-araw may naririnig akong mga asawang nag-aaway, nagkakagalitan, nambabae si mister at nanlalalki si misis. kahit sa estado pa lamang ng mag-girlfriend, boyfriend ay hindi na rin siya maiwasan. Hindi daw kumpleto ang isang relasyon, hindi tumitibay at tumatatag kung hindi nagkakaroon ng problema. Ganun ba talaga iyon? Hindi ba pwedeng “Live happily ever after” na lamang. Sabi ng ilan… kung mahal mo ang isang tao, ibibigay mo ang lahat ng walang pag-aalinlangan, walang pasubali at wala ng atrasan. Iyan daw ang tunay na pag-ibig. Maaari, Ngunit kung magmamahal ka ng buong-buo, panu na ang pagmamahal mo sa ibang tao o bagay. sa mga hilig mo dati, at mahal mong gawin. ang alam ko duon ay “compromise”. walang bagay na hindi napag-uusapan. naku, pare… “love” na itong aking pinagsasasabi dito, ayoko na. tingnan mo nga naman, oo! 

Permalink Leave a Comment

Today is Thor’s Day!

August 17, 2006 at 11:18 am (diyornal)

Today is the day of the Norse God of thunder… nothing new…. sabi nga ni myk(spitsmaster) SSDD. “Same Sh*t, Different Day”. Nothing unusal happened, oh by the way, last night was the first time this week that I slept early. There were no good stuff to watch on TV, and too late to watch a movie. NCAA basketball on Ch.26 has San Beda Red Lions playing against UPHR, but unfortunately, the man I want to watch… Sam Ekwe, isn’t playing… so I decided to sleep early.

I was left alone in the morning, all my housemates were off to work. I was really timid to go to office, but hell… one day of absence is a waste. And besides, there is no one to share my emergency leave with. That is why I’m here… contemplating on writing my journal short today, and I still want to catch FEU’s game tonight at 10pm. They are trying to win four straight and out of the cellar, to once again reach the Final Four. Unfortunately, they are really hard pressed to win the UAAP championship this season. But hey, they are still fighting, they won’t be called TAMARAWS for nothing. Time to park my pen… (nge! parang love letter) Until next time…

P.S. there should have been another post today, but I don’t know where it went. Grrrr)

Permalink 1 Comment

Martes kahapon, ngayon… Miyerkules na!

August 16, 2006 at 10:56 am (diyornal)

Katulad ng inaasahan… isang nakakabusog na hapunan ang aming pinagsaluhan kagabi. Wala nang samaan ng loob. Sa bagay, para ulam lang eh. At dahil walang magandang palabas sa telebisyon, naisipan ko na lamang na magsalang ng “VCD”. “Fantastic Four” ang aking napili, nakita ko na naman ang isa sa mga paborito kong karakter, si “The Thing”. Na pati mga lamangloob ay yari sa bato. Sa isip-isip ko, ang kanya kayang “reproductive organ” ay ganun din? panu pa kaya sya tinitigasan? (paumanhin sa mga may murang kaisipan).

Pagkatapos ng palabas, ginawa ko na ang aking mga ritwal bago matulog. Nakatawag pansin sa akin ang isang babaeng aking namumukhaan, tama! Si Jaymee Joaquin nga, (ang babae mula sa Singles at Bora) naghohost na pala sya… Games Uplate Live! Ang laro para sa gabing iyon ay huhula ka lamang ng kulay at pwede kang manalo ng mula isang libo hanggang limang libong piso at isang bagong Nokia cellphone. Anim na kulay mula sa animnapu’t apat na “standard colors” ng isang “Crayon set” ang dapat mong mahulaan. Hindi ko maalala kung bakit ako nagtext, dahil ba kay Jaymee, dahil gusto kong manalo, o dahil gusto ko lang marinig ang boses ko sa TV. May nakahanda na akong isasagot… “Periwinkle” o “Gold” ang nasa isip ko. Naghintay ako, natapos ang isang oras at wala akong napala. Ibinunyag ang apat na kulay dahil walang nakasagot ng tama, lumabas ang dalawang kulay na hinulaan ko. Naghintay ako sa wala. Tama ang dalawa kong hula, hindi naman ako natawagan. Ang tadhana nga naman! Ganun na ba ako ka-desperado magkapera? Mag-iisang buwan na din pala mula ng magtext ako sa Game KNB? at Deal or No Deal. Bukod pa sa pagbili ko ng ilang pack ng kendi, para mabuo ko lang ang salitang “HALLS”. Maaari nga, kailangan ko na ngang magkapera.

Alas-dos na ako nakatulog, at hindi pa rin maalis sa isipan ang nangyari… himala, anim na oras lang ang tulog ko at maaga ako nagising. Naalala ko, kukunin ko pa nga pala ang aking pinalabhan, na sa kasamaang palad ay hindi pa tapos tiklupin. Kinuha ko na lamang ang uniporme kong gagamitin ngayon. Dumaan muna ako sa bangko, nang hindi pa kumakain. Yosi na lang ang katapat! Hintayin ko na lang ang tanghalian, dahil itlog na pula at kamatis ang aming ulam. Pagdating ng hapon, may nagpakain sa opisina, Pandesal at pansit “HABHAB”(pancit bihon na dinakot ng plastic, at duon hinabhab) wala kasi akong plato at tinidor. Pagkatapos magpakabundat, bumalik ako sa aking puwesto para gawin ito. Sumakit ang tiyan ko sa sobrang kabusugan, ng hindi ko man lang nalaman kung sino at kung bakit nagpakain ng makapagpasalamat man lamang. Teka, Miyerkules nga pala ngayon, trapik sa Baclaran, kailangan ko ng umuwi… 

Permalink Leave a Comment

Natapos na naman ang isang araw…

August 15, 2006 at 11:04 am (diyornal)

Lunes ng hapunan… uminit ang ulo dahil sa naubusan ng isa sa mga peborit kong ulam… Ang Porkchop! Bow!.. akala ko, makakadalawa na kong porkchop dahil hindi daw kakain ang isa naming kasama sa bahay. Nagkamali ako, nagpatakam lang pala. Babaw no? Pinilit makatulog ng maaga, dahil kailangan gumising ng maaga ng makauwi naman sa oras…. ngunit hindi talaga kaya, sapagkat naubos ang oras sa kalalaro ng solitaryo mula sa aking “I-POD” habang nakikinig ng paulit-ulit sa kantang “Bad Day” ni “Daniel Powter”.(inaalala pa rin ang katakam-takam na porkchop).

Gaya ng inaasahan… tanghali na namang nagising, ngunit ngayon, mga alas-otso pa lang ng umaga, lumipat na sa sofa. Naghanap ng pandesal at palaman, pagkatapos ang pagkakaidlip ng isang oras, agahan na… pandesal nga, hotdog at scrambled eggs… may panulak ka pang “iced tea”… kasabay ang panunuod ng “Bahala Si Bitag” (hindi ako nagbabasa ng dyaryo sa umaga) busog na naman. Ilang minuto bago mananghalian ay dumating sa opisina… nakupo, “late” na naman. Uupo lang sandali at magbubukas ng PC, tanghalian na. Pagkatapos nun… Trabaho, trabaho, trabaho…

At ngayong malapit nang umuwi para matulog at pumasok lamang kinabukasan. anu ba talaga, umuuwi ba tayo para pumasok lamang kinabukasan, o pumapasok para makauwi sa bahay dahil kailangan? eh ewan… gutom lang siguro ito… “Sweet ‘N Sour Meatballs” daw ang ulam sa bahay. Tsalap! Natapos na naman ang isang araw… bukas na naman uli!

Permalink 1 Comment

Starting my week right

August 14, 2006 at 10:16 am (diyornal)

I slept around 1:30am today. I was choosing between “Arlington Road” & “Ready To Rumble” to put me to sleep, I chose the former… but it didn’t work out, the movie made me awake. It was a splendid performance from Jeff Bridges, (anti-terrorism professor) and Tim Robbins(Bomb expert). It was a heart-stopping final 30 minutes. Afterwards, the film by David Arquette, Chris Caan & Oliver Platt was still on, and that put me to sleep.

I woke up around 9:00am and had crackers & tuna for breakfast. My habit of watching “Bahala si Bitag” on UNTV is really addicting. and by the time it ends around 10:30, I am off to work. And after working on our module for English grammar last week, my project for today is to start my very own blog, aside from my friendster blog, which I abandoned after 1 post. And here I am right now, achieving what I haven’t done from my previous blog. Hmmm… hope I started my week right!

Permalink Leave a Comment