One Troubled Soul

August 29, 2006 at 10:05 am (diyornal)

Ilang araw ang nakalipas, at maraming bagay ang naglabas-pasok sa isipan ko. Hindi ko alam kung saan magsisimula, eh kung tapusin ko na lang agad kaya? Ang buhay ko? huwag na pala, baka maraming umiyak. Parang malapit na akong maniwala na ang taong mababait daw, ay maagang kinukuha ni Lord. At kapag ikaw daw ay isang masamang damo, matagal kang mamamatay. Kaya daw mabilis magsikip sa kulungan. Bakit, nakakasiguro ba sila na ang lahat ng nakakulong ay masama? Kung ating susumahin, di hamak na mas marami naman ang masasama sa labas… magbukas ka lamang ng iyong telebisyon. Saksakan na ng daming kasamaan ang pwede mong makita. Paano pa ang mga tao sa likod ng kamera. Huwag mo ng subukang lumabas ng iyong bahay at pihadong hahaba ang ating usapan.

Ang dami nga namang tao sa Metro Manila. Dito lang sa bahay na malapit sa palengke… ang kapal ng tao. eh ilan pa ba ang mga nasa kani-kanilang bahay, may ginagawa man o wala at natutulog. Ilan ang nasa opisina at nagtatrabaho, nasa paaralan at nag-aaral? Idagdag mo pa ang mga nasa biyahe at papunta sa kani-kanilang destinasyon. Isama mo na rin ang mga nasa pasyalan at namimili, tumatambay o nanunuod ng sine. Paano pa ang mga artista at musikero, sa siyudad ang sentro ng kanilang negosyo. Ilang biyahe pa ng eroplano barko at bus galing probinsiya ang papunta dito para makipagsapalaran. Eh makakalimutan ba ang mga magkasintahan na nagniniig sa mga oras na ito. Anu oras kaya labas nila? eh ako, hindi ba ako pasikip sa Metro Manila? At bakit, pinoproblema ba nila ako?

May isang tanung na ibinato sa akin ang aking kaibigan na nagpatibay sa akin… “Bakit kailangang mag-I LOVE YOU, THANK YOU o SORRY sa iyong karelasyon kung ito’y hindi mo naman nais na sabihin sa mga oras na iyon?” Napangiti ako… hindi ko ito madalas naitatanung sa sarili ko, dahil ang alam ko, ang mga bagay na kaparte na ng aking pangaraw-araw na buhay at kilos ay hindi ko na hinahanapan pa ng kasagutan, dahil ito ang gusto ko! Sinasabi ko ang “SORRY” kapag ako’y nagsisisi sa aking nagawang kasalanan at nangangakong hindi na uulit, madalas din dahil alam ko na ang salitang sorry lamang ang makapagpapanumbalik sa amin sa matinong kaisipan bunga ng maling pananaw at hindi pagkakaintindihan. Baka ang aking kaibigan, ay hindi niya nararamdaman ang ganito sa kaparehong sitwasyon, Patigasan siguro ang gusto nilang labanan. Sinasabi ko ang “THANK YOU” sa bawat ginagawa para sa akin ng aking minamahal, wala mang komersyal na halaga ang salitang ito katumbas sa bagay o sakripisyong ibinigay niya, alam kong taos sa puso ang bawat pagsambit ko nito. Marahil hindi ito nararamdaman ng aking kaibigan, bagkus ang bawat bagay at gawain ng kanyang kasintahan para sa kanya ay obligasyong dapat ginagampanan. Sinasabi ko ang “I LOVE YOU” ng hindi mabilang sa aking daliri kung ilan sa isang araw. Bago umalis ng bahay, pagdating sa opisina, pagdating sa bahay at bago matulog. bukod pa duon ang malilit na pag-uusap, telepono man o text. hindi maaaring mawala ang katagang ito bilang pangwakas. Eh paano naman sa aking kaibigan, hindi ba niya nararamdaman ito sa kanyang ka-“partner”? Sasabihin lang ba niya ito kung kailan niya “feel”? Simple lang naman ang sa akin, anomang oras ay maaaring mawala tayo sa mundong ito ng hindi natin inaaasahan. Maaaring pagkatapos ng inyong pag-uusap o pagkikita, may isang biglang mawala sa inyo? Hindi ka man lang nakapagpaalam at naipabaon sa kanya ang tangi mong nararamdaman sa kanya. Walang nagsisisi sa una, lahat sa huli. Natatandaan ko pa, Nung huli ko nga itong tinanong sa aking iniirog, madali lang siyang sumagot… “Automatic na eh. Walang kakurap-kurap at pag-aalinlangan kong sasambitin ang “I LOVE YOU”. Dahil sa tatlong salitang ito, buo na ang mundo mo.” Tama nga siya. Ganun ko ito isinagot sa aking kaibigan. Ganuon lang kasimple… Sino ang balisa sa amin ng aking kaibigan? Maaaring siya, maaaring ako. pwedeng pareho kami, o wala sa amin. Bakit, sino bang hindi, pagdating sa pag-ibig?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: