Ang Anak Ni Brocka

August 22, 2006 at 11:38 am (Pelikula)

staanlb1.jpg

Sabado ng hating gabi, walang magawa, ayaw pang dalawin ng antok, walang magandang palabas sa telebisyon. Nang napatigil sa istasyon bilang 56, “Cinema One”. Maguumpisa pa lang ang dokumentaryong ” Ang Anak Ni Brocka”. Isang pelikulang matagal ko nang ibig mapanuod. Maraming kaibigan at kakilala na rin ang nag-eengganyong akin itong panuorin. Eto na ang aking pagkakataon…

 Kung akala mo ay pelikula ito tungkol ito sa yumaong batikang direktor na si Lino Brocka… tama ka! Kung akala mo ay tungkol ito sa kanyang anak… Tama ka uli! Kung nagmumuni-muni ka kung totoo nga bang may “anak” si Lino Brocka… Maaari! Hindi kaila sa industriya at sa mga kritiko ng pamahalaan na si Brocka ay miyembro ng “third sex”, so kung tutuusin, imposible na magkaroon ng anak ang isang tulad niya. Mali, ilan na rin bang “gay” ang nagtaguyod ng sariling pamilya… Ogie Diaz, Jun Encarnacion, Tita Swarding, Arnel Ignacio, Anselle Beluso at marami pang iba. Kaya’t ang haka-hakang ito ay hindi pwedeng kaagad-agad pasubalian.

Ang dokumentaryong nabanggit ay nagpakita ng mga testimonya ng mga mahal sa buhay at malalapit na kaibigan ni Brocka. Mga pakikipaglaban ni Brocka sa administrasyon, mga paggawa ng pelikulang maraming kahulugan, ang tapang ng loob ni Brocka na labanan ang panunupil ng pamahalaan nuong “Martial Law”, Na nagpapatunay na “MAS LALAKE” pa siya kesa sa ibang kakilala ko. Hindi na ako lalayo, kaysa sa akin. Ang istorya na nagpapakita ng isang grupo sa likod ng isang programa na nagnanais matuklasan at isiwalat ang napapabalitang “anak ni Brocka”. Mailap at mahirap matunton ang “anak” na tinatawag, isang masusing pananaliksik at paggalugad sa Kamaynilaan at mga lugar na maaring pinaglalagian ng kanilang hinahanap. Lalong umiigting ang kanilang pagnanasang makita ang taong ito, dahil na rin sa mga pagpapatunay ng mga taong kanilang nakakausap. Na sa huli, ay hindi rin masasakatuparan. WALA ngang anak si Brocka! Hindi pala totoong anak siya ni Brocka, pinaniwala lamang siya ng kanyang ina, si Lino nga ang ama nya, ngunit hindi si Brocka.

Sa kabuuan ng dokumentaryo, hindi naipakita ang mukha ng “anak” ni Brocka. Ang pagiging “Anak Ni Brocka” ay walang iisang mukha. Ang mukha ng pakikipaglaban para karapatan at kalayaan ay walang eksaktong pisikal na ebidensya. Ang marubdob na pagnanasa ng pagbabago sa pamamagitan ng pagpapahayag ng malikhaing pagsasapelikula na tumitira sa mga kaganapang politikal ay walang depinitibong kahulugan. Ang lahat ng mamamayang Pilipino, hindi man direktahang naimpluwensyahan ng pakikipaglaban ni Brocka ay pwedeng ituring na isa sa mga “anak ni Brocka”. Ang mga taong nakikita natin sa telebisyon na nasa kalye, ang mga taong araw-araw gumagawa ng mga bagay na makakapagmulat sa nagbubulag-bulagang mamamayan… sila ay ilan sa mga anak ni Brocka. Hindi nga imposible… Ako, Ikaw… tayong lahat na hindi natatakot magpahayag ng sariling damdamin… baka tayo nga “Ang Anak Ni Brocka”.

1 Comment

  1. spitsmaster said,

    Anak ni Brocka naman kayo! Tapon dun tapon dito! hehe! Nice write up dude. *pats* Ay di nga pala to Hifi. Sorry naman! hehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: