Tingnan mo nga naman, oo

August 18, 2006 at 10:58 am (diyornal)

Dalawang umaatikabong laro kagabi ang aking napanuod, nanalo ang FEU kontra UP, 89-76 at nanaig naman ang Ateneo sa Adamson sa isang umaatikabong bakbakan, 66-65. Palapit na ng palipat ang tamaraws sa “Final Four”. Masusubukan ang kanilang tikas sa darating na Linggo kontra UE. Tinapos ko na lamang ang programang “Debate” na pinag-uusapan ang walang katapusang usapin tungkol sa Impeachment bago ako natulog. Lecheng Impeachment yan… hindi na natapos-tapos. Ayaw talaga ipasa eh, daanin na lang sa ibang pamamaraan.

Biyernes pala ngayon, hindi ako magsusuot ng uniporme. Ayos! Pwede akong mamili ng damit na gusto ko, pwede akong pumorma ng todo, kaya lang, hindi pa ko nakakapagpagupit… hindi na tuloy ako pogi! sabagay, mas mabuti ng minsan sa buhay ko maranasan ko ang hindi masyado napapansin, para kapag bigla kang nagpagupit at nag-ayos… naks! biglang pogi!

Naalala ko din, kasal nga pala ngayon ng kaibigan ko… hindi naman ako imbitado, so… anung pakialam ko? sa Huwes lang sila ikinasal, ilan na nga bang kaibigan at malapit sa buhay ko ang nagpakasal sa huwes? Ilan na rin ba ang hindi na ikinasal at nagbuo na lang ng pamilya. Madami-dami na rin pala. Mas marami pa sa mga kakilala ko na nagpapakasal sa simbahan. May nagtatagal, may naghihiwalay. Binata pa naman ako, ngunit hindi na rin papabata. Hindi maglalaon at iisipin ko na rin iyan, anu pa nga ba ang mas praktikal sa ngayon, magpakasal sa harap ng Diyos at maghiwalay din naman kinalaunan o huwag na lamang baka mas lalo pang magtagal ang pagsasama. Napaisip ako, at nagdesisyon na mas gugustuhin ko pa ng may basbas ng Diyos, kaya ngayon pa lang ay paghihirapan at pag-iipunan ko na ito. Hindi ko naman siguro maaaring ipagkait iyon sa aking sarili at sa aking mapapangasawa.

Halos araw-araw may naririnig akong mga asawang nag-aaway, nagkakagalitan, nambabae si mister at nanlalalki si misis. kahit sa estado pa lamang ng mag-girlfriend, boyfriend ay hindi na rin siya maiwasan. Hindi daw kumpleto ang isang relasyon, hindi tumitibay at tumatatag kung hindi nagkakaroon ng problema. Ganun ba talaga iyon? Hindi ba pwedeng “Live happily ever after” na lamang. Sabi ng ilan… kung mahal mo ang isang tao, ibibigay mo ang lahat ng walang pag-aalinlangan, walang pasubali at wala ng atrasan. Iyan daw ang tunay na pag-ibig. Maaari, Ngunit kung magmamahal ka ng buong-buo, panu na ang pagmamahal mo sa ibang tao o bagay. sa mga hilig mo dati, at mahal mong gawin. ang alam ko duon ay “compromise”. walang bagay na hindi napag-uusapan. naku, pare… “love” na itong aking pinagsasasabi dito, ayoko na. tingnan mo nga naman, oo! 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: