Martes kahapon, ngayon… Miyerkules na!

August 16, 2006 at 10:56 am (diyornal)

Katulad ng inaasahan… isang nakakabusog na hapunan ang aming pinagsaluhan kagabi. Wala nang samaan ng loob. Sa bagay, para ulam lang eh. At dahil walang magandang palabas sa telebisyon, naisipan ko na lamang na magsalang ng “VCD”. “Fantastic Four” ang aking napili, nakita ko na naman ang isa sa mga paborito kong karakter, si “The Thing”. Na pati mga lamangloob ay yari sa bato. Sa isip-isip ko, ang kanya kayang “reproductive organ” ay ganun din? panu pa kaya sya tinitigasan? (paumanhin sa mga may murang kaisipan).

Pagkatapos ng palabas, ginawa ko na ang aking mga ritwal bago matulog. Nakatawag pansin sa akin ang isang babaeng aking namumukhaan, tama! Si Jaymee Joaquin nga, (ang babae mula sa Singles at Bora) naghohost na pala sya… Games Uplate Live! Ang laro para sa gabing iyon ay huhula ka lamang ng kulay at pwede kang manalo ng mula isang libo hanggang limang libong piso at isang bagong Nokia cellphone. Anim na kulay mula sa animnapu’t apat na “standard colors” ng isang “Crayon set” ang dapat mong mahulaan. Hindi ko maalala kung bakit ako nagtext, dahil ba kay Jaymee, dahil gusto kong manalo, o dahil gusto ko lang marinig ang boses ko sa TV. May nakahanda na akong isasagot… “Periwinkle” o “Gold” ang nasa isip ko. Naghintay ako, natapos ang isang oras at wala akong napala. Ibinunyag ang apat na kulay dahil walang nakasagot ng tama, lumabas ang dalawang kulay na hinulaan ko. Naghintay ako sa wala. Tama ang dalawa kong hula, hindi naman ako natawagan. Ang tadhana nga naman! Ganun na ba ako ka-desperado magkapera? Mag-iisang buwan na din pala mula ng magtext ako sa Game KNB? at Deal or No Deal. Bukod pa sa pagbili ko ng ilang pack ng kendi, para mabuo ko lang ang salitang “HALLS”. Maaari nga, kailangan ko na ngang magkapera.

Alas-dos na ako nakatulog, at hindi pa rin maalis sa isipan ang nangyari… himala, anim na oras lang ang tulog ko at maaga ako nagising. Naalala ko, kukunin ko pa nga pala ang aking pinalabhan, na sa kasamaang palad ay hindi pa tapos tiklupin. Kinuha ko na lamang ang uniporme kong gagamitin ngayon. Dumaan muna ako sa bangko, nang hindi pa kumakain. Yosi na lang ang katapat! Hintayin ko na lang ang tanghalian, dahil itlog na pula at kamatis ang aming ulam. Pagdating ng hapon, may nagpakain sa opisina, Pandesal at pansit “HABHAB”(pancit bihon na dinakot ng plastic, at duon hinabhab) wala kasi akong plato at tinidor. Pagkatapos magpakabundat, bumalik ako sa aking puwesto para gawin ito. Sumakit ang tiyan ko sa sobrang kabusugan, ng hindi ko man lang nalaman kung sino at kung bakit nagpakain ng makapagpasalamat man lamang. Teka, Miyerkules nga pala ngayon, trapik sa Baclaran, kailangan ko ng umuwi… 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: